wanted to be nonchalant talaga but here we are again. i will always be a crybaby for Wilbert. he had a rough start and i've always asked the heavens to be a little gentler with him. witnessing his dreams finally unfold will always be a win for me, for us too. there will never be a moment when i won't get emotional over you bert. i'll immediately cry at the mention of your name. and it's never a cry of pity, but a cry of victory, a cry of joy, a cry of relief, that finally, the odds are now in your favor. ❤️🩹
Hi, ako nga pala si Wilbert Rosalyn. Isang nangangarap galing Hagonoy, Davao del Sur.
A decade ago, isang probinsyano ako na sumuong sa Maynila para sa pangarap. Sumubok sa kung saan saan para magkaroon ng pagkakataon.
Hindi naging madali ang mga napagdaanan. Maraming naging pagsubok, pero isa lang ang sigurado ako, kailanman ay hindi nawala ang apoy sa puso ko at ang masidhing kagustuhan na maabot ang pangarap ko.
Dati, aakalain mong isa lang akong dakilang "manifestor" sa social media ng mga bagay na gusto kong maabot. Pero sa likod nito, tahimik at unti-unti kong binubuo ang mga bagay para mangyari ito. Sinisipagan sa lahat ng aspeto, pinag-iisipan ang bawat hakbang, at matinding naghanda para sa pagdating ng tamang oras.
At nung dumating 'yun... handang-handa na ako.
Ang dating pangarap lang na makakanta sa isang malaking concert venue, yung nakatayo lang ako sa stage, nakangiti, habang pinapakinggan kayong kinakanta mismo ng sabay-sabay ang mga sulat ko, nangyari a week ago last July 25 at 26 sa NFT. Kaya mula sa puso ng isang probinsyanong nangarap, maraming maraming salamat. Salamat sa bawat isa sa inyo na pumunta, nakikanta, naiyak at naging bahagi ng dalawang gabing hindi ko malilimutan habambuhay. Kayo ang nagpatotoo sa mga bagay na minanifest at pinangarap ko lang dati. Salamat sa paniniwala sa akin. Hanggang sa muli nating pagkikita at pagkanta!
(Check Ig or FB sa full thank you post)